Sinusubaybayan ko ang balitang at alingasngas ng mga batang nawawala at dinudukot sa CALABARZON Area... Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon. May mga blog din akong nabasa na na confirmed ito sa Batangas Provincial Police Station. Sa aming liblib na nayon, na nasa pagitan ng boundary ng Cavite at Laguna..lumabas ang mga patalastas ng pag-iingat ng mga bata na may edad 16 at pababa. May kasamang sketch ng suspect at plate number ng isang white van. Lumabas din sa TV Patrol ang nasabing balitang ito at napanood ko po mismo.
May isang sindikato na kumukuha ng mga ito at kinukuha ang mga internal orgas. Sa Bataan, 2 bata ang napangalanan na naging biktima. Dito sa Tibig, Silang, Cavite...namataan ang nasabing van at may balita sa amin na isang bata ang tinangkang dukutin noong nakaraang linggo.
Noong Martes, March 11, 2008, nahuli ang nasabing sindikato sa Silang, Cavite. Ayon sa balita, namataan ang mga kidnappers kasama ang mga bata na dinukot sa Ilog ng Silang habang pinapaliguan ang mga ito. Kabilang sa mga nahuli ang mga grupo ng mga banyaga na mga Chineses, Taiwanese etc..
Dinagsa ng mga mamamayan ng Silang ang Munisipyo ng Silang upang usisiin ang mga pangyayari..
Pinag iingat pa rin ang mga mamamayan sapagkat tinutombok pa rin ng kinauukulan kung may gumagala pa ring mga salarin.
Wednesday, March 12, 2008
Mga Kumukuha ng Bata sa CALABARZON!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment